"Talagang safe ka na"

Ito ang sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta kay Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng paglilinaw ni Mina Elamaparo-Jose ng WJ Construction na hindi niya kilala si Estrada at hindi niya pinuntahan ang tanggapan ng senador.

Idinawit ni dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez si Sen. Estrada sa nakaraang pagdinig sa Kamara sa umano'y anomalya sa flood control projects sa Bulacan.